
Tungkol sa Amin

Nagsimula kami sa simpleng ideya
Maraming kompanya—malaki man o maliit—ang nahihirapan sa paghahanap ng magagaling na developer: kwalipikasyon, dynamics ng team, at pinansyal na usapin. Ang natatangi naming solusyon sa pagha-hire ng top resources ang tumutugon dito.
Mabilis ang pagtaas ng demand sa highly-skilled talent kaya may kakapusan sa tech market. Naaapektuhan ang kalidad ng app development. Ang aming misyon: Tuklasin, I-hire, at panatilihin ang top talent. Nakakatuon ang kliyente sa short at long-term goals at nauuna sa kompetisyon.

Sa puso ng Silangang Europa
Matatagpuan ang Team Extension sa Bucharest, Romania. Bilang start-up hub, may mga bentahe ang Bucharest: high-speed fiber optic internet (pang-lima sa mundo ayon sa bloomberg.com), mababang gastos sa operasyon, at maraming lokal na tech talent. Bunga ng kultura ng pagiging masinop at flexible, lumakas ang sektor ng negosyo at dumarami ang English-speaking na technical resources.

Luma na ang tipikal na “recruitment approach”
Nahihirapan ang mga firm kumuha ng top talent dahil sa kompleksidad ng global markets. Kulang ang kinakailangang “know-how” para sumabay sa bilis ng tech industry. Nagdudulot ito ng disconnect sa gusto at kailangan ng kliyente at sa hinahanap ng agency. Sa madaling sabi, inuuna ang bilis kaysa husay, na sumasama sa operasyon at kita ng kliyente.

Mahalaga ang aming mga empleyado
Naniniwala kami na nakasalalay ang tagumpay sa kasiyahan ng aming mga empleyado anuman ang aming binubuo o ibinebenta. Buo ang tiwala namin sa technical talent at paglago nila sa organisasyon; hindi kami uusad kung wala ang aming mga team.
2008
Established+60
Masisigasig na miyembro ng team+36
Countries7
Mga OpisinaISO 9001:2015
Certified
Handa ka na bang iangat ang iyong negosyo?
Mag-hire ng pinakamahusay na developers, engineers, programmers, coders at consultants sa Pilipinas.
Pinipili ng Fortune 500 at start-ups ang mga developer ng Team Extension para sa mission-critical na software projects.


